Translations:Dormancy Policy/4/tl

From Miraheze Meta, Miraheze's central coordination wiki

Walang nakikitang aktibidad sa loob ng 60 araw o higit pa ang isang wiki'ng tulog. [1] Kinokonsiderang di-aktibo ang mga tulog na wiki, at dahil gumagamit pa rin sila ng mga server resources (tulad ng espasyo sa disk para sa database ng wiki), kinakailangan namin sila isara (o burahin). Matapos ng 45 araw, maaaring magkaroon ng isang abiso sa site sa wiki para ipaalala sa mga user na dapat maging mas aktibo sila. Matapos malagay ang banner na ito nang 15 araw (hanggang 60 araw ng pagiging di-aktibo), awtomatikong isasara/ila-lock ang wiki (mababasa na lang ito [read-only]). Aabisuhan ang mga bureaucrat ng wiki sa kani-kanilang mga pahina ng usapan (talk page) (sa apektadong wiki) at sa email (kung nakapag-set ang user ng isang kumpirmadong email address sa Special:Preferences), at papayagan ang pag-ampon (tingnan ang #Pag-ampon) dalawang linggo pagkasara. Kung walang user ang mag-aampon sa wiki sa loob ng 120 araw pagkasara nito (hanggang 180 araw o anim na buwang di-aktibo) at di pa rin ito aktibo, mamarkahan itong binura. Dalawang linggo pagkaraan nito, maaari itong maging kandidato sa pagkabura.

  1. Para maliwanagan, lahat ng mga makikita sa Special:RecentChanges ay aktibidad.