Translations:Dormancy Policy/19/tl

From Miraheze Meta, Miraheze's central coordination wiki

Pagkaraan ng isang linggo, titingnan uli ng isang steward ang kahilingan sa pag-ampon (adoption request). Kung marami ang gustong umampon, magdedesisyon ang steward kung sino ang makakapag-ampon sa wiki base sa mga opinyon ng ibang mga user at ang pagkakasangkot ng user sa wiki na iyon. Matapos matanggap ang kahilingan sa pag-ampon, makukuha ng user ang mga karapatang administratibo at bureaucrat sa wiki, makakahiling ng mga tampok (features) at pagbabago sa konpigurasyon para sa wiki, at mabibigyang-kapangyarihang tanggalin ang mga karapatang mula mga lumang user.